^

Metro

2 sunog sa Maynila, sumiklab; higit 200 tahanan, naabo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 sunog sa Maynila, sumiklab; higit 200 tahanan, naabo
Ilang residente na nasunugan sa Road 10 ­Moriones, Tondo, Maynila ang naghahanap pa ng mapapakinabangang gamit matapos na tupukin ng apoy ang kanilang bahay kahapon ng ­madaling araw.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit 200 tahanan ang naabo sa magkahiwalay na sunog na sumiklab sa Maynila kahapon.

Batay sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na unang sumiklab ang sunog sa Barangay 650, sa Port Area dakong alas-12:03 ng madaling araw.

Ayon sa mga awtoridad, pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa lugar kaya’t mabilis na kumalat ang apoy sa daan-daang tahanan.

Umabot ng ikalimang alarma ang sunog bago naideklarang fireout dakong alas-6:59 ng umaga.

Samantala, dakong ala-1:55 ng madaling araw naman nang sumiklab ang sunog sa JV Pas Compound, sa Tondo, sakop ng Barangay 123.

Umabot din sa ikalimang alarma ang sunog bago idineklarang fireout dakong alas-11:05 ng umaga.

Wala naman naiulat na may nasawi o nasaktan sa naganap na sunog.

Patuloy naman iniimbestigahan na Arson ang sanhi ng dalawang magkasunod na sunog sa Tondo at inaalam ang halaga ng mga ari-ariang tinupok nito.

SUNOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with