NFA buffer stock pinalakas

MANILA, Philippines — Pinalakas pa ng National Food Authority (NFA) ang buffer stock ng bigas sa bansa.
Ayon kay NFA Administrator Larry Lacson, nasa 7.17 milyon 50-kilogram sako ng milled rice ang nakaimbak ngayon na sasapat para mapakain ang mga Filipino sa loob ng siyam na araw.
Ayon kay Lacson, ito na ang pinakamataas na inventory level ng NFA mula noong 2020.
Aniya, malaking tulong ang mataas na palay buying price na nasa P27 kada kilo noong nakaraang taon at P24 kada kilo ngayong taon.
Sa kabila ng mataas na stockpile ng bigas, tiniyak ni Lacson na may sapat na pondo ang NFA para bilhin ang palay ng mga lokal na magsasaka.
Kakayanin pa ng NFA na bumili ng 500,000 metrikong tonelada ng palay o katumbas ng 6.3 milyong sako ng milled rice.
“So far this year, we’ve spent only P2.6 billion of the P14.6 billion available to us for palay procurement. This includes unspent funds of P5.6 billion carried over from the 2024 budget,” pahayag ni Lacson.
Sa ilalim ng revised Rice Tariffication Law (RTL), Inaatasan ang NFA na panatilihin ang 15-day national rice buffer stock.
- Latest