^

Metro

Isko nangunguna sa pagka-alkalde ng Maynila - Tangere survey

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Isko nangunguna sa pagka-alkalde ng Maynila - Tangere survey
Commission on Elections Chairman George Erwin Garcia, along with Manila mayor and vice mayor candidates Isko Moreno and Chi Atienza, answers media questions during the launch of the “Meet the Manila Press” forum on March 6, 2025.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nangunguna pa rin si dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa karera para sa pagka-alkalde ng Maynila sa nalalapit na 2025 midterm elections.

Nabatid na nakakuha si Isko ng 51% na suporta mula sa mga botante, habang si kasalukuyang Mayor Honey Lacuna ay nasa ikalawang puwesto na may 37% at sinundan ni Sam Versoza ng Tutok to Win Party-list na may 10%. Ang iba pang kandidato ay may kabuuang 1%, at 1% lamang ang undecided.

Nananatiling malakas ang suporta para kay Isko ng Distrito 1, 2, 4, at 6, lalo na sa mga kabataang edad 18-39. Si Lacuna naman ang mas pinipili sa mga Distrito 3 at 5, at ng mga edad 40 pataas. Si Versoza ay nakapuntos ng mataas sa Distrito 5.

Sa karera para sa Bise Alkalde, nangunguna si Chi Atienza, ka-tandem ni Isko, na may 56% na suporta. Si Vice Mayor Yul Servo ay may 37%. Mas mababa sa 1% ang boto para sa ibang kandidato, habang 6% ng botante ay undecided pa.

Samantala, karamihan sa mga botante ay naniniwalang dapat tutukan ng mga kandidato ang serbisyong pangkalusugan, pagbaba ng presyo ng bilihin, pagtaas ng sahod, at imprastraktura para sa paaralan at ospital.

Nasa 41% ng mga residente ang nagsabing mas maganda kaysa karaniwan ang kanilang pamumuhay, 45% ang nagsabing karaniwan lamang, at 14% ang nagsabing mahirap.

Ang survey ay isinagawa ng Tangere noong Abril 19–20 gamit ang hybrid na paraan—pinagsamang online (Tangere app) at face-to-face. May kabuuang 1,500 respondents ang lumahok, gamit ang random at probability sampling methods.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with