Lolo at 2 pa timbog sa pagtutulak ng droga
MANILA, Philippines — Isang lolo at dalawa pang kasabwat nito ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Makati City Police Station, sa Makati City, Lunes ng gabi.
Pinangunahan ni Makati CPS commander, PCol. Jean Dela Torre ang pag-aresto sa mga suspek na sina “Daydo”, 70, tricycle driver, at “Angelo”, 29, kapwa street level individual at isang tambay na si “Joboy”, 29.
Sa ulat, dakong alas-11:27 ng gabi nang madakip ang tatlong suspek sa pagbebenta ng shabu sa isang undercover operative.
Tinatayang nasa P102,000.00 na halaga ang nakumpiskang 15 gramo ng shabu mula sa mga suspek.
Ipaghaharap ng reklamong paglabag sa section 5 at 11 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati City Prosecutor’s Office.
- Latest