^

Metro

Killer ni Que, nambibiktima sa VIP events

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Killer ni Que, nambibiktima sa VIP events
Ito naman ang nakikita ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa steel magnate na si Arson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Naghahanap ­umano ng bibiktimahin ang grupo ni David Tan Liao na lider ng kidnap for hire sa mga ‘high end events’.

Ito naman ang nakikita ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatuloy ng kanilang imbestigasyon kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa steel magnate na si Arson Que at driver nitong si Armanie Pabillo.

Kabilang si Liao sa tatlong suspek na nadakip ng PNP. Naaresto rin sina Ricardo Austria David at Raymart Catequista. 

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo, kabilang din sa kanilang aalamin ay ang anggulo na nakakadalo si Liao sa mga ‘high end activities’ ng  mga Chinese business sector at iba pang high profile personalities sa kabila ng patung-patong na kaso nito kung saan doon naghahanap umano ng kanilang target na bibiktimahin.

Makikita ito sa mga larawang nakalap ng PNP kung saan ilang kilalang personalidad ang nakakasalamuha ni Liao. Posible ring makipag-ugnayan ang PNP sa mga personalidad na kasama sa larawan ni Liao.

Samantala, lumilitaw sa awtopsiya na binigti sa pamamagitan ng lubid hanggang sa mamatay sina Que at Pabillo. May indikasyon din na ­pinahirapan  ang mga biktima saka ­isinilid sa bag at ­iniwan sa Brgy. Macabud, Rodriguez, Rizal ng mga ­suspek. Ayon kina David at Catequista, pinatay nila ang dalawa sa utos na Liao.

Lumalabas din sa imbestigasyon na talagang ang pakay ng mga suspek ay patayin si Que at ang driver nito kahit na nakapagbigay na sila ng halagang P200 milyon sa pamamagitan ng ilang hulog sa cryptocurrency.

Naniniwala naman si Fajardo na malapit na nilang maaresto ang masterminds sa pagpatay kay Que at Pabillo.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with