Comelec sisimulan napamamahagi ng mga balota

MANILA, Philippines — Nakatakda nang simulan ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes, Abril 22, ang deployment ng mga opisyal na balota na gagamitin para sa pagdaraos ng National and Local Elections (NLE) sa Mayo 12.
Kaugnay nito, hinikayat ni Comelec Chairman George Erwin Garcia ang lahat ng political parties, mga kandidato, civil society groups, at mga miyembro ng Simbahan na obserbahan ang deployment upang matiyak ang kaligtasan at integridad ng mga balota.
Ayon kay Garcia, iaanunsiyo nila ang mga lugar kung saan at kailan darating ang mga balota.
“Ia-announce namin ang mga lugar kung saan mismo darating ang mga balota at kung kailan darating. Sana ang mga political parties, kandidato, civil societies, simbahan, lahat, puwede po sana pakiabangan ninyo ang pagdating ng mga balota sa Treasurer’s Office,” aniya pa. “Allowed kayo na mag-observe…bantayan ninyo po para walang akusasyon na may nawawalang balota.”
Ang mga naturang balota ay una nang ipinakete at isinelyo ng Comelec sa kanilang hub sa Sta. Rosa, Laguna.
- Latest