^

Metro

2 komite vs kidnapping, fakenews inilunsad ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
2 komite vs kidnapping, fakenews inilunsad ng PNP
Nabatid na pangungunahan ni PLtGen. Edgar Alan Okubo, Deputy Chief PNP for Investigation (TDCI), ang JAKAC, na tututok sa pagtukoy, pagsugpo, at pag-neutralize ng mga organisadong kidnap-for-hire na operasyon sa bansa habang ang JAFNAC na layong labanan ang lumalalang problema ng disinformation ang pamumunuan ni PLtGen. Robert Rodriguez, Deputy Chief PNP for Operations (TDCO).
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inilunsad ng Philippine National Police (PNP) ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee (JAKAC) at ang Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) na layong mapanatili ang  peace and order  sa bansa at katotohanan sa mga kasong hawak ng  organisasyon.

Nabatid na pangungunahan ni PLtGen. Edgar Alan Okubo, Deputy Chief PNP for Investigation (TDCI), ang JAKAC, na tututok sa pagtukoy, pagsugpo, at pag-neutralize ng mga organisadong kidnap-for-hire na operasyon sa bansa habang ang JAFNAC na layong labanan ang lumalalang problema ng disinformation ang pamumunuan ni PLtGen. Robert Rodriguez, Deputy Chief PNP for Operations (TDCO).

Ayon kay PNP chief Gen. Rommel ­Francisco Marbil, hindi lamang mga komite ang JAKAC at JAFNAC kundi mga konkretong hakbang upang tugunan ang mga modernong banta kabilang  ang mga kidnap-for-hire syndicates at fake news.

Tiniyak ng PNP na hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang dalawa pang Chinese na sinasabing  ‘utak’ sa krimen.

Palalakasin ­naman ni Rodriguez ang JAFNAC upang maiwasan ang fake news sa lahat ng platform.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with