QCLGU sa mga kandidato: Paggamit ng plastic, iwasan
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga kandidato na umiwas sa paggamit ng plastic na tarpaulins at iba pang mga election paraphernalia.
Base sa City Ordinance No. SP 2202, na ipinasa noong 2013, pinagbabawalan ang mga indibidwal at mga organisasyon na gumamit ng mga tarpaulin at posters na gawa sa polyethylene o plastic sa loob ng lungsod.
Ayon sa Department of Sanitation and Clean up Works ng Quezon City, ngayong taon lamang ay nakakolekta ang lungsod ng 18,000 kilos (18 cubic meters) ng campaign tarpaulins, mula sa national at local candidates na ipinaskil sa mga electric posts at public and government-owned facilities.
“Plastic posters, even those that are torn into pieces, usually clog creeks and tributaries thereby increasing the risk of flooding. We are calling on political aspirants to think about the long-term negative effects of plastics in our communities. We have to work together, and consider our actions even on the tiniest detail to protect our environment,” ani Mayor Joy Belmonte.
Bukod sa mga campaign-related posters, ipinagbabawalan din ang mga private organizations at kompanya na gumamit ng plastic-made tarpaulins. Agad na aalisin ng lokal na pamahalaan ang mga plastic tarpaulin.
- Latest