Senior Citizens Party-list, inindorso si Mayor Honey
MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang pagkilos sa kasagsagan ng pandemya bilang pinuno ng health cluster, pagbuo ng mga programang nagbibigay ng libreng gamot, pagdoble ng buwanang ayuda, trabaho at mga pasilidad na pawang para sa kapakinabangan ng lahat ng senior citizens sa Maynila, nakuha ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pag-endorso ng Senior Citizens Party-list.
Ayon kay Senior Citizens Party-list Rep. Rodolfo Ordanes, consistent o tuluy-tuloy ang malasakit at pagiging epektibo pagdating sa pangangalaga ng mga karapatan at kapakanan ng senior citizens si Lacuna kabilang na ang pagbibigay ng P1,000 monthly stipend na tulad ng ibinibigay ng DSWD sa senior citizens. Tatanggap ngayon ang mga seniors ng Maynila ng stipend at city allowance na may kabuuang halaga na P24,000 kada taon, kung saan P12,000 ay mula sa pamahalaang-lungsod ng Maynila samantalang ang kalahating P12,000 ay mula naman sa DSWD.
Malugod namang pinasalamatan ni Lacuna si Ordanes para sa nasabing endorsement at tinitiyak na ipagpapatuloy at higit pang palalawakin ng kanyang administrasyon ang mga umiiral na programa at benepisyo para sa mga nakatatanda sa kanyang mga susunod na termino.
Sinabi naman ni Lacuna ang nasabing pag-endorso, ay isang matibay na pagkilala ng pagiging epektibo ng mga programang inilatag ng kanyang administrasyon para sa mga senior citizens ng lungsod.
Bilang isang doktora ay naiintindihan umano ni Lacuna ang mga pangangailangan ng seniors at mga pamilyang Manilenyo at ginawa umanong makabago ni Lacuna ang sistemang pangkalusugang serbisyo sa Maynila.
- Latest