^

Metro

Batas sa ‘loan puhunan’ isusulong ng Batang Quiapo Party-list

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isusulong ng Batang Quiapo Party­-list ang panukalang batas sa pamamagitan ng microfinancing para sa mga vendors at microentrepreneurs sakaling makasungkit ng upuan sa Kongreso sa darating na May 12 mid-term elections.

Ayon kay Zofia Canlas, isa sa mga nominado ng Batang Quiapo Party-list, sesentro ang panukala sa anyo ng isang “loan puhunan” na makatutulong sa maliliit na nagnanais magnegosyo na kapos sa puhunan.

Batid ng Batang Quiapo Party-list ang hirap na pinagdadaanan para makapag-loan sa mga bangko dahil sa kakulangan ng mga collateral, credit history at iba pang financial records.

Batay sa isang survey ng OCTA Research nitong Marso 2025, 78 porsiyento o 8 sa bawat 10 Pilipino ang nagnanais magkaroon ng sariling negosyo na hawak nila ang sariling oras at schedule.

Dahil dito, sinabi ni Canlas na ang pagnanais ng mas nakararaming Pilipino na magkaroon ng sariling negosyo ang nagsilbing inspirasyon sa Batang Quiapo Party-list upang magsulong na magkaroon ng batas na makatao ­hinggil sa microfinancing sa anyo ng “loan puhunan.”

Sinabi pa ng Batang Quiapo na ­marapat na suportahan ng pamahalaan ang pagnanais ng mga Pilipino na magkaroon ng sariling negosyo sa ­pamamagitan ng microfinancing, na magbibigay ng maliit na pautang, savings at iba pang financial products para sa mga tinatawag na low-income individuals na walang kakayahan sa tradisyunal na banking services.

LOAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with