NHA may condonation sa mga delinquent housing beneficiaries nationwide

MANILA, Philippines — Tutulungan na ng National Housing Authority (NHA) ang mga delinguent housing borrowers na may ilang taon nang hindi nakababayad ng monthly amortization.
Ito ayon kay NHA general manager Joeben Tai ay isang magandang hakbang ng ahensiya kaalinsabay ng ika-50th charter anniversary ng NHA na gaganapin sa punong tanggapan ito sa Quezon City sa Hulyo 31 ng taon.
Aniya may 100 percent condonation ang NHA para sa penalty sa housing loan at 95 porsiyentong kondonasyon naman sa interes sa utang sa Pabahay.
Nasa 220 delinquent housing borrowers anya ang makikinabang sa condonation na kaloob ng NHA na magsisimula May 1 hanggang Oktubre 31 ngayong taon.
“Aabutin sa P3.7 Bilyon ang iko condone namin at kung sa loob ng condonation program ay hindi pa rin sila makababayad after October 31 ay pag-aaralan ng ahensiya kung ano pa ang maitutulong sa kanila” pahayag ni GM Tai.
- Latest