LTFRB nagpalabas ng show cause order vs operator ng bus, driver na nagpositibo sa drug test
MANILA, Philippines — Nagpalabas ng show cause order ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa bus operators ng nagpositibong driver sa drug test na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nang galugarin ang mga bus terminals sa ilalim ng “Oplan: Harabas” ng ahensiya.
Sa kabuuang 3,270 driver na nasuri , 84 public utility vehicle (PUV) drivers at dalawang konduktor ang nagpositibo sa droga.
Sa mga nasuring indibidwal na nag positibo sa droga,13 ay bus drivers, isang mini-bus driver, 19 jeepney drivers, 47 tricycle drivers, isang taxi driver, dalawang motorcycle taxi riders, at 11 UV Express drivers. Dalawang mga konduktor rin ang nasuring positibo sa paggamit ng illegal na droga.
“It is unacceptable and deeply troubling that individuals entrusted with the safety of passengers are found to be operating vehicles under the influence of prohibited substances,”sabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na sinabing kailangang magpaliwanag ng mga transport operators.
Samantalang hinimok rin ni Guadiz ang mga operators na tiyaking fit sa trabaho ang mga kukuning driver. Idinagdag pa ng opisyal na may parusa mula sa ahensiya ang iisnab sa kanyang kautusan.
- Latest