^

Metro

Court of Appeals pinagtibay ang hatol vs Caloocan cop sa torture, tanim ebidensya

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol na guilty laban kay Caloocan City PO1 Jefrey Perez kaugnay ng kaso ng pag-torture at pagtatanim ng ebidensya laban sa mga tinedyer na sina Carl Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman na pinaslang noong 2017 sa madugong giyera sa droga ng nakalipas na administrasyon.

Ayon sa ibinabang desisyon ng CA ang naturang mga law enforcers ay hindi nirespeto ang karapatan ng nasabing mga indibidwal.

Ang mga tinedyer na sina Arnaiz, 19 at de Guzman, 14 ay una nang napaulat na nawawala noong 2017 ay natagpuang patay.

Sa report  ng Caloocan City Police hinoldap umano ni Arnais ang isang taxi driver kung saan napatay ito ng manlaban sa mga nagrespon­ding operatiba ng pulisya. Idinagdag pa dito na nakumpiskahan rin umano ng baril, bala at shabu ang suspect pero iginiit ng testigo na binaril ito habang nakaposas.

Samantalang ang bangkay ni de Guzman ay natagpuan naman sa Nueva Ecija na may 25 saksak.

Ibinasura rin ng CA Second Division ang apela ni Perez na inihirit na baliktarin ang hatol ng Caloocan Regional Trial Court na senentensiyahan ito ng dalawang habambuhay na pagkakabilanggo sa pagtatanim ng ebidensya kay Arnaiz at reclusion perpetua sa pagtatanim ng baril.

Senentensiyahan rin ito ng RTC ng reclusion perpetua sa torture ni de Guzman at apat na taong hanggang anim na buwang pagkakabilanggo sa pag-torture naman kay Arnaiz.

COURT OF APPEALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with