Crackdown laban sa mga ‘kamote’ driver, larga na - LTFRB

MANILA, Philippines — Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) spokesperson Atty. Ariel Inton, na naka-alerto na sila at iba pang miyembro ng inter agency task force laban sa mga ‘kamote’ driver at kolorum.
Ayon kay Inton, kasama rin ang Land Transportation Office (LTO), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Transportation (DOTr) sa pagbabantay ng kaayusan ng mga lansangan, mga bus terminal at kalagayan ng mga pasahero kasabay ng paggunita sa Semana Santa.
Nanawagan si Inton sa publiko na iwasang sumakay sa mga kolorum dahil na rin sa kawalan ng insurance ng mga pasahero oras na masangkot sa aksidente.
Hinikayat din ni Inton ang mga bus terminal na bigyan ng sapat at maayos na accomodations ang mga pasahero tulad ng libreng paggamit ng CR, malinis na waiting area at upuan at pagkakaroon ng first aid station.
Nasa 1, 018 permits anya ang naipagkaloob ng LTFRB para sa mga bus na binibigyan ng pahintulot na makapasok sa ibang ruta. Ito anya ay dagdag na unit na laan para sa dadagsang pasahero.
Sinabi ni Colyn Calbasa ng PITX na aabutin nang hanggang 170, 000 hanggang 200,000 ang daily passenger na uuwi ngayong Holy Week sa mga probinsiya.
- Latest