Singaporean timbog sa baril, bala

MANILA, Philippines — Isang Singaporean bound passenger ang inaresto ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) matapos madiskubreng may dala itong baril, 2 magazine at 22 pirasong live ammunition sa kanyang handcarried bag.
Hindi na pinangalanan ang suspek na 38 anyos at residente ng Corinthian Garden sa Quezon City.
Pasakay ang suspek ng Cebu Pacific Airlines flight 5J 805 sa NAIA Terminal 3, nang pigilan ng mga awtoridad dahil sa dalang baril at mga bala na nakita sa X-ray machince.
Ang pasaherong nahuli ay sasampahan ng kaukulang kaso sa paglabag sa RA10591 at BP Omnibus Election Code.
- Latest