Single mom, todas sa salpok ng SUV
MANILA, Philippines — Patay ang isang single mom makaraang salpukin ng isang SUV na pinakialamang manehohin ng isang guwardiya, Lunes ng hapon sa Makati City.
Nabatid na naulila ni Evelyn Sim, 40 ang kanyang anim na anak matapos itong ideklarang dead-on-arrival sa Makati Medical Center. Sugatan naman ang apat na iba pa na nakilalang si “Abellar”, 50; “Rhea”, 45; “Delia”, 52, at “Christopher”, 40 isang engineer.
Arestado naman ang security guard ng isang pawnshop na si alyas Lovite matapos ang insidente na naganap bandang alas-4:24 ng hapon ng Abril 14 sa panulukan ng Magsaysay St at P. Burgos St, Barangay Guadalupe Nuevo, Makati.
Nabatid nagpumilit umano si Lovite na imaneho upang ilipat ng parking ang Mitsubishi MU X ni Bryan Dominic de Guzman Jayamaha sa kabila ng pagpigil ng ina ng huli na huwag manehohin ang sasakyan.
Posibleng hindi alam imaneho ni Lovite ang sasakyan na bumangga sa railings at nakasagasa ng mga biktima.
- Latest