La Mesa Ecopark, bukas sa pagninilay at pagdarasal
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Manila Water Foundation (MWF), ang social development arm ng Manila Water at steward of La Mesa Ecopark (LME) na bukas sa publiko ang naturang parke para sa pagdarasal at pagninilay kaugnay nang paggunita sa Semana Santa.
Nakabukas ang La Mesa Ecopark mula ngayong April 15 hanggang April 20, 2025, o mula Holy Tuesday hanggang Easter Sunday mula alas-7 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon upang makasama sa special Stations of the Cross installation sa parke bilang isang tahimik na lugar para magnilay at magdasal. Maaari ring mag-request sa Administration Office ang prayer guides.
Sa Easter Sunday, may aktibidad din para sa mga kabataan at adult hinggil sa pagkabuhay ng Diyos mula alas-8 ng umaga hanggang alas-11 ng umaga. Ang mga batang may edad 3 hanggang 10 taon ay maaaring makiisa sa Easter Egg Hunt.
Ang mga nais magpa-register ay sa link: https://forms.gle/LibroRK9FjCFmBsC7 para sa donasyon na PhP 500. Ang mga park-goers ay maaaring makiisa sa fun activities na layong mai promote ang ganda ng La Mesa Ecopark’s green spaces.
Sa pakikipagtulungan ng Rural Rising Philippines, ang mga bisita ay maaaring makabili ng mga sustainable products at inaning produkto ng mga local farmers.
- Latest