^

Metro

10,000 NCRPO cops minobilisa sa Semana Santa

Joy Cantos, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 10,000 pulis ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang minobilisa para magbantay sa seguridad ng transportation hubs, mga pa­ngunahing daan at iba pang mga dinaragsang lugar sa Metro Manila kaugnay ng paggunita sa Semana Santa.

Ayon kay NCRPO Director Major Gen. Anthony Aberin, ang deployment ng mga pulis sa NCRPO ay sasaklaw rin sa pagbaban­tay sa mga residential at business areas na nangangailangan ng police visibility.

Aniya ang mga ito ay kanilang sisimulang ipakalat sa darating na Abril 16, Miyerkules Santo at 24/7 na magbabantay sa seguridad ng mga mamamayan sa National Capital Region.

“We will have 24/7 security coverage. Our target is to secure key locations, from serene places of worship”, ani Aberin kung saan pa­ngunahin ring babantayan ang mga transportion hubs at mga commercial districts .

Samantalang mararamdaman din ang presensiya ng mga pulis sa 300 simbahan sa Metro Manila kaugnay ng Visita Iglesia ng mga deboto ng Simbahang Katoliko kung saan dito’y mahigit 1,000 pulis ang mahigpit na magbabantay.

Idinagdag pa ng opisyal na mahigpit ding babantayan ang mga pook pasyalan o mga parks at recreational spaces sa buong Metro Manila.

NCRPO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with