5 ‘tulak’ kulong sa higit P.6 milyong droga sa Malabon
MANILA, Philippines — Limang ‘tulak’ ang nadakip ng mga tauhan ng Malabon city Police kasabay ng pagkakasamsam ng nasa mahigit P.6 milyong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Malabon City.
Kinilala ni District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) chief PLt. Col. Timothy Aniway Jr ang mga suspek na sina “Renz,” 28, ng Valenzuela City, “Benjo,” 24, “Mark,” 26, Lalamove rider, “Karl,” 25, pawang ng Malabon at “Eseng,” 25, call center agent ng Caloocan.
Sa report kay NPD District Director PCol. Josefino Ligan, nakipagtransaksyon ang isa niyang tauhan sa isa sa mga suspek kaya ikinasa nila ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 66 grams ng high-grade marijuana (kush) at 74 piraso ng marijuana oil (vape/carts) na nagkakahalaga lahat ng P617,000.00 at buy-bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Malabon City Prosecutor’s Office.
- Latest