^

Metro

‘Zero hospital billing’ kayang-kaya sa Pasig

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tiwala si mayoral aspirant Sarah Discaya na bilang progresibong lungsod, kayang-kaya ng pondo ng Pasig LGU na ipagkaloob sa mga Pasigueño ang “zero hospital billing.”

Ayon kay Discaya, na mas kilala bilang Ate Sarah sa Pasig, ay mahalaga na magkaroon ng sapat na access ang kanyang mga kababayan sa maka-masa, inklusibo, at dekalidad na medical services na hindi na kailangang hingiin pa ng mga ito kung hindi kusang ipinagkakaloob ng lokal na gobyerno.

“Yung zero hospital billing, it’s actually doable dahil ang Pasig ay isa sa mga progresibong lungsod. Kung kayang gawin ito sa mga pro­binsya, why can’t we do that here in our city?” ani Discaya.

Malaking tulong umano ang “zero hospital billing” sa mga Pasigueño lalo na sa mga nasa laylayan dahil hindi na sila mangangamba na magpa-check up at pumunta sa doktor kung sila ay may mga iniindang karamdaman.

“Kailangan na kaila­ngan ng mga Pasigueño ang zero hospital billing pati na ng quality medical services na matatagpuan nila sa mga hospital at healthcare centers,” saad niya.

Dinagdag pa ni Discaya na isa sa kanyang mga pangarap para sa Pasig City ay ang magbigay ng epektibo, sapat, at kumpletong medikal na serbisyo sa mga pampublikong ospital upang hindi na kailanganin pang pumunta ng mga kapus-palad sa mga pribadong ospital.

Samantala, may ilan ding mga senior citizen ang nagpahayag ng kanilang hinaing na hindi umano sumasapat ang natatanggap nilang mga healthcare bene­fits mula sa kasaluku­yang administrasyon.

SARAH DISCAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with