^

Metro

Pasig City gagawing ‘smart city’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang paniniwala ni Pasig Mayoral candidate  Sarah Discaya na nalalapit nang maging “smart city” ang lungsod ng Pasig sa paggamit ng mga bagong teknolohiya na magpapabuti sa pagseserbisyo sa mga residente.

Ayon kay Discaya, kailangan na ng Pasig ng tunay na pagbabago at pag-ahon ng bawat Pasigueno na naipagkait ng kasalukuyang liderato ni Mayor Vico Sotto.

Sa kanyang campaign mantra na “Kaya ba? Kaya this!” tiniyak ni Discaya na kanyang tutukan ang kanyang mga proyekto para mabigyan ng maayos na pamumuhay ang bawat Pasigueno.

Kabilang sa kanyang programa ay ang pagpapatayo ng 11-storey university building, seven­-storey high school building at up-to-date elementary building na mas magpapalawak ng kaalaman at karunu­ngan ng mga estudyante. Tututukan din ni Discaya ang moderno at libreng ospital tulad ng ipinatutupad ng ibang bansa.

“Hindi masamang manggaya kung sa ika­bubuti ng maraming Pasigueno” ani Discaya.

Dagdag ni Discaya, ang kanyang personal na karanasan ang nagtulak sa kanya na tumakbo sa pagka-alkalde ng Pasig. Aniya nakita niya ang sitwasyon ng mga residente sa lungsod.

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with