Trader utas sa riding-in-tandem

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante nang pagbabarilin ng riding-in-tandem, sa bahagi ng Barangay BF Homes, Parañaque City, Martes ng umaga.
Kinilala ng Parañaque Police ang biktimang si Rodolfo Galaria Cudiamat, 71 at residente ng, Brgy. San Antonio, Parañaque.
Nangangalap naman ng CCTV footages ang pulisya para matukoy at matunton ang tumakas na dalawang suspek na magka-angkas sa motorsiklo.
Sa inisyal na ulat ni Parañaque City Police Station chief, PCol. Melvin Montante, binabagtas ng biktima sakay ng kanyang silver gray na Toyota Fortuner ang Santos Avenue, alas-5:46 ng umaga nang pagsapit sa tapat ng Shell Rita ay pinagbabaril ito ng mga suspek.
Dahil sa tama, sumampa sa bangketa ang SUV at bumangga sa concrete electrical post.
Magsasagawa ng backtracking at follow-up operation ang pulisya para madakip ang mga suspek.
Hindi pa natukoy ang motibo sa pamamaslang dahil sa patuloy pa ang imbestigasyon.
- Latest