Vote buying, vote selling tututukan ng Comelec

MANILA, Philippines — Bumuo na ang Commission on Elections (Comelec) ng komite na mag-iimbestiga sa lahat ng mga reklamo at magkakaso na may kinalaman sa vote buying at vote selling kaugnay ng nalalapit na May 12 midterm elections.
Sinabi ni Atty. Jan Fajardo ng Comelec Quezon City sa QC Journalists Forum, nagbuo na ang Comelec ng Kontra Bigay Committee upang higit na matutukan ang alegasyon ng mga bayaran at bentahan ng boto at maparusahan ang nasa likod nito.
Aniya, ang sinumang kandidato na mapapatunayan nasa likod ng vote buying at vote selling ay maaaring madiskuwalipika bukod sa kulong at multa alinsunod sa Comelec rules and regulations.
Ang komite ay binuo ng mga kinatawan mula sa Comelec, Department of Education, Prosecutors Office at PNP.
Binigyan-diin naman ni Atty. Mark Alvario - QC LGU Election officer na May 10 at May 11 ay sisimulan na nilang ipamahagi ang mga election materials at paraphernalias at handa na rin ang mga storage facilities ng mga ballot boxes at logistics para sa nalalapit na halalan.
- Latest