1 barangay sa Quezon City gagamit ng palaka vs dengue
MANILA, Philippines — Ipantatapat ng isang barangay sa Quezon City ang mga palaka laban sa tumataas na kaso ng dengue sa lungsod.
Ayon kay Crisanto Franza, Barangay Old Balara chief-of-staff, ikakalat ang mga palaka sa barangay para kainin ang mga lamok.
Aniya nagawa na nila ito noong nagdaang mga taon at naging epektibo naman dahil bumaba ang bilang ng kaso ng dengue sa kanilang barangay.
“Mostly, lahat ‘yan nilagay namin sa mga kanal, malaking tulong din. Ang mga kinakain nyan is mga langaw, mga eggs, mga lamok. Kaya sa tingin namin, talagang nakatulong yan,” pahayag ni Franza.
Lumilitaw na 50 percent ng kaso ng dengue sa lugar ay nabawasan dahil sa pagpapakawala ng mga palaka.
Una nang nagdeklara ng QC LGU ang dengue outbreak noong Sabado.
- Latest