Mga opisyal ng Pasay LGU kakasuhan sa POGO
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang posibleng pananagutan ng lokal na pamahalaan ng Pasay City sa kamakailang pagsalakay sa iligal na Philippine offshore gaming operators (POGO) sa lungsod.
Sinabi ni Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), na nag-iimbestiga ang PAOCC, Department of Justice at Department of the Interior and Local Government kaugnay sa mga pagsalakay sa SA Rivendell sa P. Zamora Street, Zun Yuan Technology sa panulukan ng FB Harrison at William Streets, Kimberhi Technology, at ang pinakahuli ay ang maliit na offshore gaming sa basement ng Heritage Hotel, pawang sa Pasay City.
Ayon kay Casio, pangunahing sinisilip ang nasa likod ng pag-iisyu ng mayor’s permit at business permit.
Isa rin sa binubuong kaso ang criminal liability ng Heritage Hotel, sa pagkukubli ng iligal na offshore gaming, kung saan 14 na Pinoy at 6 na Korean nationals ang dinakip.
- Latest