9 na miyembro ng KFR hinatulan ng life
MANILA, Philippines — Hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo ng QC Regional Trial Court ang siyam na miyembro ng Amolo kidnap-for-ransom group matapos mapatunayang guilty sa kasong pagdukot sa isang bank executive na si Ramon Murillo noong June 2008.
Sa kanyang desisyon, bukod sa life imprisonment ay pinagbabayad din ni QC RTC Branch 101 Judge Evangelin Marecomen ang mga akusadong sina Florentino Amolo, Arnold Aquino, Regie Reyes, Edgardo Hernandez, Melchor Herrera, Lino Carangan, Alvin Lacandaso, Reynante Alcazar at Jocelyn Perolino ng tig-P450,000 kaugnay ng kaso.
Ang mga suspek ay naaresto ng PNP PACER sa isang mall sa Pasay City nang magkabayaran ng ransom na P1 milyon mula sa dating hinihinging P50 milyon ranson.
Umaabot lamang sa P850,000 ang nabawi ng mga otoridad sa mga akusado.
- Latest