Pantay-pantay sa Pasigueño P3 bilyong surplus fund at annual budget ipamamahagi

MANILA, Philippines — Ipamamahagi ni Pasig Mayoralty candidate Sarah Discaya ng pantay-pantay sa Pasigueño ang P3 bilyong surplus fund sakaling siya ang mahalal sa alkalde ng lungsod sa May 2025 elections.
Sinabi ni Discaya, na kilala sa tawag na Ate Sarah, na kailangan umano ng Pasig ng mga bagong healthcare facility at sapat na health workers sa bawat komunidad ng lungsod.
Layon ni Discaya na gawin umanong ‘smart city’ ang lungsod ng Pasig na mayroong smart hospitals, smart schools, housing buildings, at sistematikong transport system.
Ayon naman kay Ram Cruz ng Tindig Pasig, ang surplus fund ay bunsod umano ng pagtitipid ng alkalde sa badyet ng lungsod para sa mga social services gaya ng healthcare services, edukasyon, peace and order, at social protection dahil inilalaan ito ng mayor para sa proyekto nitong P9.62 bilyong bagong Pasig City Hall.
Matatandaang bumagsak ang lungsod sa ika-9 na pwesto mula sa ranggo nitong ika-6 noong 2019 sa 2024 Rankings of Highly Urbanized Cities sa ilalim ng Cities and Municipalities Competitive Index na pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI).
- Latest