^

Metro

P1 pabuya kada lamok, larva inilunsad

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
P1 pabuya kada lamok, larva inilunsad
Nabatid na sa natu­rang kampanya ng Brgy. Addition Hills  na tinatawag na, “May Piso sa Mosquito”, magkakaloob ang barangay ng P1 reward para sa bawat lamok o larva na mapapatay ng mga residente. Layon nitong mapuksa ang sakit na dengue sa kanilang nasasakupan.
AFP / File

Para iwas dengue

MANILA, Philippines — May alok na P1 pabuya ang isang barangay sa Mandaluyong City sa bawat lamok o larva na mapapatay o mahuhuli ng mga residente, bilang tugon sa dumaraming kaso ng dengue sa kanilang lugar

Nabatid na sa natu­rang kampanya ng Brgy. Addition Hills  na tinatawag na, “May Piso sa Mosquito”, magkakaloob ang barangay ng P1 reward para sa bawat lamok o larva na mapapatay ng mga residente. Layon nitong mapuksa ang sakit na dengue sa kanilang nasasakupan.

Naghanda pa ang barangay ng isang aquarium kung saan ilalagay ang mga napatay na lamok at larva.

Bukas ang barangay hall mula Lunes hanggang Biyernes, ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon para sa mga nagnanais na magdala ng kanilang mga nahuli o napatay na lamok at makubra ang kanilang pabuya.

Magsisimula ang naturang reward system sa Biyernes, Pebrero 21.

DENGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with