99 pamilya nasunugan sa Quezon City

MANILA, Philippines — Nasa 99 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos na sumiklab ang sunog sa mga barung-barong sa Quezon City bandang alas-2:11 ng hapon nitong Linggo.
Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang three storey house sa Barangay Bagong Pag-asa, QC.
Naapula naman ang sunong dakong alas-3:26 p.m. matapos na rumesponde ang nasa 50 fire trucks at tatlong ambulansiya.
Isa namang 23 anyos na tauhan ng BFP ang ginamot matapos na mabalian ng kaliwang kamay.
Pansamantalang nanunuluyan sa covered court ng barangay ang mga naapektuhang pamilya.
- Latest