^

Metro

PUJ driver tinodas sa harap ng misis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang jeepney driver ang binaril ng dalawang ulit ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang misis sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang si John Bryan Pamintuan, 34, ng Sampaloc Extention, Camarin, ng nabanggit na lunsod.

Sa report na tinanggap ni Caloocan City Police chief PCol. Edcille Canals, nangyari ang pamamaril dakong alas- 3:30 ng madaling araw sa loob mismo ng bahay ng biktima.

Ayon sa pahayag ng misis ng biktima, nag-iinuman silang mag asawa ng dalawang lalaki ang kumatok sa kanilang bahay.

Pinagbuksan naman ng pinto ng biktima ang mga suspek subalit agad itong pinaputukan ng dalawang beses na naging sanhi ng agarang kamatayan nito. Mabilis namang tumakas ang mga suspek.

Inutos na ni Canals ang follow-up operations upang mahuli ang mga suspek at matukoy ang motibo sa pamamaril.

PUJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with