Seaoil, Petro Gazz may taas presyo ng petrolyo
February 18, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Sasakit na naman ang bulsa ng mga motorista sa panibagong oil price adjustment ngayong araw ng dalawang oil companies.
Sa abiso ng Seaoil at Petro Gazz, tataas ng 80 sentimos ang kada litro ng kanilang produktong gasolina at diesel habang ang kerosene ay tataas ng 10 sentimos kada litro.
Ang taas presyo ng mga produktong petrolyo ay dulot nang tumitinding tensiyon sa Gitnang silangan at pinatinding sanctions ng US sa mga bansang Iran at Russia.
Wala namang abiso ang ibang oil companies.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended