Abot-kayang Pabahay para sa ISFs - FPJ Panday Bayanihan partylist

MANILA, Philippines — Layon ng FPJ Panday Bayanihan partylist na magbigay ng abot-kayang pabahay na may kabuhayan at sapat na serbisyo sa mga lugar ng relokasyon para sa mga pamilyang nakatira sa informal settler zones.
Ayon kay Brian Poe Llamanzares,1st nominee ng partylist para sa May 2025 elections na sinusuportahan nila ang Community Mortgage Program ng pamahalaan na naglalayong magbigay ng abot-kayang pautang sa mga mahihirap na pamilya upang makamit nila ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling tahanan.
Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 3.7 milyong informal settler families (ISFs) ang nasa bansa, kung saan kalahating milyon sa kanila ay nakatira sa mga slum at delikadong lugar sa Metro Manila.
Aminado si Poe na bagaman may Community Mortgage Program, ang mga gastos sa pag-develop ng lupa at pabahay ay nananatiling malaking hamon para sa mga pamilyang may mababang kita. Marami sa mga na-relocate ay nag-aalala sa kawalan ng access sa mga serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan, edukasyon, at kapayapaan.
Para maiwasan ang mga ganitong suliranin, iminungkahi ni Poe na magtulungan ang lokal na pamahalaan na pinagmulan at pinagtutuunan ng mga informal settlers upang mapataas ang kita at mailaan sa kanila ang tamang kabuhayan. Sa ganitong paraan, magiging matatag ang kanilang pamumuhay at makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa bagong lugar ng relokasyon.
- Latest