Dengue outbreak, idineklara sa Quezon City

MANILA, Philippines — Idineklara na kahapon ng Quezon City government sa pamamagitan ng City Health Department (QCHD) ang dengue outbreak dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso nito sa naturang siyudad.
Kasabay nito, inalerto at pinakilos na rin ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang lahat ng assets at resources upang matiyak na ang mga programa at serbisyo ng lokal na pamahalaan ay maging accessible para sa lahat ng mamamayan ng lungsod upang mapigilan ang pagdami pa ng kaso ng sakit na dengue.
“Our declaration of a dengue outbreak ensures that we are on top of the situation, and we are doing everything we can to protect our residents from this deadly disease, especially our children,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte sa ipinatawag na media conference kahapon.
Sa rekord ng City Epidemiology and Surveillance Division (CESD) ng QCHD, mula Enero 1 hanggang Pebrero 14, 2025, nasa 1,769 na ang kaso ng dengue o nasa halos 200 porsiyento na mataas sa kaso na naitala noong 2024 sa kaparehong period.
Sa kabuuang bilang, nasa 58 porsiyento ng naitalang kaso ng dengue ay mga school-aged children (5 to 17 years old) habang 44 porsiyento ay mga bata na mula 1 years old hanggang 10 years old.
Inihayag ni Belmonte na karamihan sa dinapuan ng dengue ay mga bata kaya’t inalerto ang mga magulang sa nararamdaman ng kanilang mga anak at manguna sa clean-up drive sa mga komunidad.
Inihayag ni Belmonte na ang lahat ng 66 QC Health Centers ay nakabukas din tuwing Sabado at Linggo mula alas-8 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon upang maserbisyuhan ang mga may sakit na dengue.
Samantalang naglatag na rin ang QC LGU ng fever express lane sa lahat ng city’s health centers at hospitals upang agad magamot ang mga Qcitizens na may lagnat na sintomas ng sakit na dengue. Nagkaloob din ng free dengue test kits na makukuha sa mga healh centers at hospital sa lungsod.
- Latest