4 Katao patay sa sunog sa Pasay, 2 pa sugatan

MANILA, Philippines — Apat katao kabilang ang dalawang menor-de- edad ang nasawi habang dalawa ang sugatan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Pasay City nitong Sabado ng umaga.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Pasay, tatlong lalaki na 7, 14 at 40 , at babeng 37 taong gulang ang kabilang sa namatay sa sunog.
Samantalang nagkaroon naman ng sugat sa kanang paa ang 18-anyos na si Gabriel Misolas, habang minor burn sa kanang kamay ang tinamo ng 58-anyos na si Irish Regas.
Bandang alas-4:35 ng umaga nang ideklara ang first alarm ng sunog sa bahagi ng Esteban Street, Barangay 177 ng nasabing lungsod.
Umabot naman sa ikatlong alarma ang sunog pagsapit ng alas-4:48 ng hapon under control alas-6:10 bago idineklarang fire-out ganap na alas-7:23 ng umaga.
Nasa 14 namang truck ng mga bumbero na mula sa Mandaluyong, Maynila, Caloocan, Parañaque at Makati ang tumulong na rin sa pag-apula sa sunog habang dumating din ang isang rescue truck at isang ambulansya.
Isang truck ng BFP ang nasira ang blinker nang mauwi sa marahas ang pagwawala ng mga residente sa pamimilit nila sa mga bumbero na unahin ang kanilang bahay.
Samantalang nasa 60 kabahayan naman at 60 pamilya ang apektado ng sunog. Patuloy ang masusing imbestigasyon sa kasong ito ay inaalam na rin ang nilikhang pinsala sa nasabing sunog.
- Latest