^

Metro

Housing project ng NHA ininspeksiyon ni GM Tai

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Housing project ng NHA ininspeksiyon ni GM Tai
Ang naturang pabahay program ng pamahalaan ay nakalaan para sa mga pamilyang naninirahan sa mga mapanganib na lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Upang matiyak ang kalidad at napapanahong pagtatapos ng proyekto, pinangunahan ni National Housing Authority (NHA) Ge­neral Manager Joeben Tai ang pag-inspeksyon sa In-City Housing Project sa may Arkong Bato sa Valenzuela City.

Ang naturang pabahay program ng pamahalaan ay nakalaan para sa mga pamilyang naninirahan sa mga mapanganib na lugar. “Alinsunod sa ating programang Build Better More (BBM) Hou­sing at sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para makamit ang isang Bagong Pilipinas.Pagkatapos ng inspeksyon na sinamahan ni Assistant General Manager Alvin  Feliciano, pinangunahan din ni Tai ang inagurasyon at ribbon cutting  sa bagong  tanggapan ng NHA-NCR-North Sector sa Brgy. North Bay Boulevard South, Navotas City.

Sinabi ni Tai, ang bagong opisina ay isang mahalagang hakbang upang mas mailapit sa publiko, stakeholders, at mga benepisyaryo ang mga serbisyo ng NHA, at matiyak na mas madali nilang maa-access ang mahahalagang programang pabahay at suporta mula sa pamahalaan.

NHA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with