DSWD nagbabala sa publiko sa mga naglipanang fixers sa ayuda
MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga fixers na nagaalok na maging “middleman” upang mapabilis umano ang pagkuha ng serbisyo mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na programa ng ahensiya.
“Muli po naming pinaalalahanan ang ating mga kababayan na iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga fixers o mga middleman na nagsasabing tutulong sila para mapadali ang pagpasa ng mga requirements sa kahit anong programa ng ahensya, lalong-lalo na sa mga dumudulog sa aming mga Crisis Intervention Unit (CIU)-Satellite Offices,”pahayag ni DSWD Asst. Secretary Irene Dumlao.
Inihayag ni Dumlao na upang higit na maging accessible ang DSWD AICS program , updated na ngayon ang kanilang CIU-Satellite Offices sa Metro Manila para sa mga taong nangangailangan ng tulong para sa medical, burial, o financial assistance.
Ang mga Clients in crisis na nakatira sa Maynila, San Juan, Makati, Mandaluyong, at Quezon City ay maaari nang mag- submit ng kanilang requirements para sa AICS program sa agency’s Legarda Satellite Office sa Jaime Dela Rosa St.,kanto ng Dalupan St., Sampaloc, Maynila.
Ang Baclaran Satellite Office na nasa 2nd Floor ng Victory Mall Food Market, Redemptorist Road sa Muntinlupa City ay magseserbisyo sa mga kliyenteng mula sa Pasay, Las Piñas, Parañaque, at Muntinlupa.
Ang mga residente ng Pasig, Taguig, Marikina at Pateros ay maaaring mag submit ng kanilang requirements sa Pasig Satellite Office sa 2nd Floor of Lianas Supermarket, Caruncho Avenue, Brgy. Palatiw, Pasig City habang ang mga taga Northern Manila District o mula sa CAMANAVA area (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela) ay maaaring mag submit ng kanilang requirements sa CAMANAVA Satellite Office sa 3rd Floor sa 999 Shopping Mall, Gen. Luna St., Brgy. 16 Poblacion, Caloocan City. Nabatid pa na ang mga satellite offices ay nakabukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.
- Latest