Basura sa mga paaralan, papalitan ng gamit pang-eskuwela ng Quezon City-LGU
MANILA, Philippines — Isinusulong ng Quezon City government ang programang “Palit Basura Para sa Paaralan” upang ang mga basura sa mga paaraalan sa lungsod ay mapalitan ng mga gamit-pang eskuwela.
Kaugnay nito, pinangunahan ni QC Councilor Charm Ferrer kasama ang pamunuan ng Public School Teachers Association ng District 1 QC sa pakikipagtulungan sa Evergreen Lab Philippines para maipaliwanag ang kahalagahan ng proyekto.
Sa pamamagitan ng programang ito, papalitan ng mga school supplies ang mga recyclable na basura na makokolekta sa mga paaralan sa naturang distrito.
Binigyang diin ni Ferrer, bukod sa pagsusulong ng malinis at maayos na kapaligiran, layon din ng inisyatibo na turuan ang mga kabataan sa kahalagahan ng paghihiwalay ng basura sa mga silid aralan.
Idinagdag pa nito na tutulungan din ng programa ang mga kabataan na magkaroon ng access sa mga kagamitan pang-eskwela.
- Latest