^

Metro

Pinakamalaking bodega ng gamot itatayo sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang itayo ang pinakamalaking bodega ng gamot ng parmasya sa lungsod ng Maynila.

Ito ang nabatid matapos naman ang groundbreaking ceremony sa pagtatayuan ng naturang bodega ng gamot.

 Pinasalamatan naman ni Mayor Honey Lacuna si Congressman Benny Abante, Jr. (6th District) para sa kanyang pagsisikap na tulungan ang kanyang administrasyon na nag-operate sa budget.

 Inihayag niya na sa pakikipagtulungan ng tanggapan ni Rep. Abante at ng Department of Health (DOH) sa lungsod ng Maynila na magkaroon ng pinakamalaking bodega ng mga gamot para sa paggamit ng lokal na pamahalaan upang tumulong sa patuloy na pagbibigay-prayoridad ng lungsod sa pangangalagang ­pa­ng­kalusugan.

Sa pangunguna ni Lacuna at Abante, Jr., sinaksihan naman ni DOH  Usec. Dr. Emmie Liza Perez-Chiong at Manila City Health Officer Dr. Arnold Pa­ngan ang groundbreaking  sa construction site ng Isidro Mendoza Health Center sa Pandacan noong Huwebes.

“Bukod sa pagsisimula ng konstruksyon ng bodega ng botika, ang pagtatayo ng bagong pinahusay na Isidro Mendoza Health Center ay isa pang pinakahihintay na tagumpay, na inaasahang matatapos sa Abril 2025. Mas palalakasin pa natin ang serbisyong pangkalusugan sa Maynila” ang sabi pa ni Lacuna na isang doktor.

DOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with