Nanay ibinugaw 4 na anak, timbog sa NBI

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang ina na isinadlak sa sexual exploitation ang apat na mga menor-de- edad na anak sa Angeles, Pampanga.
Ayon sa NBI, mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 11930 (Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) at Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Act, at RA 9208 (as amended by) RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking-in Persons Act).
Nabatid na inaresto ang mga suspek batay sa impormasyong natanggap ng Human Trafficking Division (HTRAD) hinggil sa ginagawa ng mga suspek para sa paggawa ng Child Sexual Abuse Materials (CSAMs) at live-streaming ng sexual acts na ibinebenta sa iba’t ibang platforms.
Noong Pebrero 3, nakakuha ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data (WSSECD) mula sa Angeles Regional Trial Court ang NBI-HTRAD at Pebrero 6 nang isagawa ang entrapment operation sa aktuwal na pag-aalok ng isa sa suspek ng kanyang apat na menor-de-edad na anak para sa live streaming. Nang kumagat ang suspek ay inaresto siya ng NB-HTRAD kasama ang WSSECD, kung saan naisalba ang walong menor-de-edad, kasama ang apat na anak ng isa sa suspek.
Sa inisyal na forensic examination sa mga device na nakuha sa mga suspek, nakita ang chatlogs sa mga transaksyon sa pag-aalok ng mga bata. Natukoy din na US$50 ang presyo ng kada bata, at dahil sa apat na anak umano ang nasa live-stream, $200 ang nakukuha ng suspek na agad ipinapalit sa pamamagitan ng PayPal.
Samantala, isang Pinay din ang nadakip sa follow-up operation sa Bamban, Tarlac nitong Pebrero 11, on Feb. 11 kaugnay sa kaso ng isang American national na si Joseph Graham, na naghihintay na lamang ng deportasyon.
- Latest