34 Indonesian, Chinese nasagip iligal na POGO

MANILA, Philippines — Nailigtas sa magkahiwalay na operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang 34 Indonesian nationals at isang Chinese national na ikinulong sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (Pogo) sa Pasay at Parañaque.
Ayon kay PAOCC spokesperson Winston Casio, natunton ang kinaroroonan ng mga biktima sa tulong ng Indonesian Embassy sa Pilipinas, kasunod ng natanggap na distress message mula sa isang Indonesian national nitong Huwebes ng hapon.
Sa pag-rescue sa 34 na Indonesian nationals, na pawang POGO workers habang naaresto ang “boss” na babaeng Chinese na si Liu Meng, na responsable sa pagkulong sa kanila sa isang gusali sa Pasay, noong Huwebes ng gabi. Ani, Casio na Enero 21, 2025 ay “terminated” na ang kontrata ng POGO workers, subalit kinuha at inipit ni Liu Meng ang kanilang passports nang magsabing uuwi na sa Indonesia.
Sa pagtatanong sa mga biktima, nabunyag na isang Wang Fe Yu, lalaking Chinese national ang kinidnap noong Pebrero 12, sa Pasay City at ikinukulong sa isang condominium safehouse sa Parañaque City. Biyernes din ng gabi nang salakayin ang safehouse ng PAOCC at nadiskubreng na-torture sa nakitang mga marka sa katawan si Wang. Dinakip naman ang tatlo pang Chinese national na bantay kay Wang. Nabunyag naman na kalalaya pa lamang mula sa Bureau of Jail Management and Penology sa Parañaque City si Wang sa kinasangkutang kaso ng kidnapping nang dukutin ng mga suspek at ipatubos ng halos P2-milyon.
Ibinunyag din ni Casio na ang mga cellphone ng 3 suspek ay naglalaman ng mga video ng pag-torture kay Wang at isa iba pang foreign nationals.
- Latest