‘Gender equality’ patunay sa pagdami ng mga babaeng PNP officers

MANILA, Philippines — Ang pagdami ng mga babaeng pulis at opisyal ay indikasyon na naipatutupad sa Philippine National Police (PNP) ang ‘gender equality’.
Ito naman ang binigyan diin ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil, kung saan parami nang parami na ang mga babae na may matataas na posisyon sa PNP.
“This is a testament to the PNP’s commitment to gender equality and professional excellence. No longer are women just part of the PNP, they are driving its transformation,” ani Marbil.
Batay sa datos ng PNP, nasa 20 porsiyento na ng kabuuang populasyon ng PNP ay pawang mga babae o katumbas ng 42,757 sa iba’t ibang posisyon at tanggapan sa buong bansa.
Paliwanag ni Marbil, mahalagang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay sa mga miyembro ng PNP pagdating sa karapatan at kakayahan.
Sa kasalukuyan nasa 151 na mga babaeng pulis ang humahawak ng matataas na posisyon.
Ilan dito ay sina PBGen. Jean Fajardo, ang kauna-unahang babae na spokesperson ng PNP at Regional Director ng PRO 3 o Central Luzon; PBGen. Jezebel D. Medina, hepe ng PNP Health Service;PBGGen Portia Manalad ng Women and Children Protection Center (WCPC);PBGen. Maria Leonora Camarao, Regional Director of the Internal Affairs Service (IAS)-National Capital Region at PCol. Vina Guzman, na kasalukuyang PNP Academy Commandant of Cadets.
- Latest