Mayorya ng Pinoy pabor VP Sara sagutin assassination plot, SALN
MANILA, Philippines — Pabor ang nasa 73% ng mga Pilipino na dapat harapin ni Vice President Sara Duterte ang Senate Impeachment Trial dahil sa mga alegasyon ng planong pagpaslang kay Pangulong Marcos, Speaker Romualdez, at First Lady Liza Marcos, ayon ito sa pinakahuling public opinion poll na isinagawa ng Tangere noong Pebrero 10-12, 2025.
Ang nasabing porsiyento ay mula Luzon, Northern Luzon at NCR habang 12% ang hindi nakapagpasya at 15% ang hindi sumasang-ayon na mula sa Davao Region at Northern Mindanao.
Mahigit kalahati rin ng Filipino ang sang-ayon sa impeachment na inihain ng Kongreso laban kay VP Sara na may 51%, undecided naman ang 22% mula Visayas Region at 27% ang hindi sumasang-ayon na mula pa rin sa Davao Region at Northern Mindanao.
Samantala, nasa 53% ng mga respondents ang sang-ayon na dapat humarap sa impeachment trial si VP Sara sa isyu ng umano’y maling paggamit ng confidential funds sa OVP at DepEd habang 30% ang hindi sang-ayon dito. Nasa 51 % ang pabor na dapat harapin ni VP Sara ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman at hindi pagdedeklara ng SALN habang 33% ang hindi pabor.
Nasa 4 hanggang 5 sa 10 rehistradong botante ang boboto kandidatong Senador na pabor sa impeachment laban kay VP Sara, isa ang hindi boboto habang undecided ang iba.
Ang non-commissioned survey, na isinagawa noong Pebrero 10-12, 2025, ay pinangangasiwaan sa pamamagitan ng mobile-based respondent application na may sample size na 2,400 kalahok (+/- 1.96% Margin of Error sa 95% Confidence Level) gamit ang isang Stratified Random Sampling na paraan (Quota Based Sampling). Ang proporsyon ay kumalat sa buong Pilipinas na may 12% mula sa NCR, 23 porsyento mula sa Northern Luzon, 22 porsyento mula sa Southern Luzon, 20 porsyento mula sa Visayas, at 23 porsyento mula sa Mindanao.
- Latest