‘I Do’ ng 30 LGBTQI lovers ngayong Valentines Day sa Quezon City
MANILA, Philippines — Pangungunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang ‘commitment ceremony’ ngayong Valentines Day ng nasa 30 pares ng LGBTQI bilang pagkilala ng lokal na pamahalaan sa pag-iibigan ng mga QCitizens na nasa naturang sektor.
Nabatid na una na ring dinaluhan ni Belmonte ang Kasalang Bayan sa District 5 & 6 na ginanap sa MICE Quezon City Hall Complex gayundin ang Kasalang Bayan sa District 1 sa Risen Garden ngayong Feb-ibig month.
Ngayong Feb-ibig Month, pinalamutian din ang Quezon Memorial Circle ng mga eco-friendly decorations sa pagdiriwang ng Valentine’s Day. Bida ang mga palamuti na hugis puso dahil gawa ang mga ito sa mga naipong kahoy na naputol dahil sa mga humagupit na bagyo na nilagyan ng pa-ilaw upang mas maging takaw-atensyon sa gabi.
Mayroon ding Food Bazaar at Plant and Flower Sale simula kahapon na magtatagal hanggang Pebrero 16 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi at Live Busking mula alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi.
- Latest