^

Metro

Puganteng South Korean inaresto sa BI office

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang puganteng South Korean habang sinusubukang i-extend ang kanyang tourist visa sa Bureau of Immigration (BI) head office sa Intramuros, Maynila, iniulat nitong Huwebes.

Ang dayuhang si Bae Naseok, 30-anyos ay dinakip ng Fugitive Search Unit (FSU) ng BI noong Miyerkules matapos ma-detect na kabilang siya sa watchlist order at blacklist order.

Kinumpirma ito sa notice ng International Criminal Police Organization (Interpol) sa Seoul na pugante si Bae.

Sinabi ni BI Tourist Visa Extension (TVS) Chief Raymond Remigio na itinuturing na undesirable alien at banta sa public safety si Bae dahil sa kinasangkutang kaso pandaraya kaugnay sa iligal na pag-transfer ng halagang KRW15 milyon o katumbas na USD10,430 sa pamamagitan ng pag-impersonate sa anak ng biktima.

Sa pamamagitan umano ng mobile messaging application, nagpanggap si Bae na siya ay anak at inutusan na mag-install ng remote-controlled application sa kanilang mobile device kaya nakompromiso ang banking system ng biktima.

Nakapiit sa BI facility sa Bicutan Taguig ang nasabing Koreano habang pinoproseso ang deportasyon.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with