Bentahan ng NFA rice rekta sa retailers - Mayor Joy
MANILA, Philippines — Diretso na sa mga rice retailers sa Quezon City ang mga NFA rice na ibebenta sa murang halaga ng National Food Authority.
Ang pahayag ay ginawa ni QC Mayor Joy Belmonte sa kanyang paglilibot at inspeksiyon sa Commonwealth Market kasama ang Department of Agriculture at Department (DA) of Trade and Industry (DTI) nitong Miyerkules.
Ayon kay Belmonte, hindi na idaraan pa sa LGU ang pagbili ng murang bigas at sa halip ay mag-oorganisa na lamang sila ng isang town hall meeting kung saan direktang makikipag-ugnayan ang NFA sa mga rice retailers. Mas maipaliwanag din ng NFA sa mga retailers ang kanilang programa.
Ani Belmonte, mahigit 3,000 ang rice retailers na nakarehistro sa QC.
Tanging ang QC LGU lamang nagdesisyon na huwag nang idaan sa lokal na pamahalaan ang pagbili ng murang bigas sa NFA.
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. na malapit na ring simulan ng NFA ang paglalabas ng rice stocks nito para sa mga LGU na handa nang magbenta nito sa publiko.
- Latest