^

Metro

2 Pinay na drug mule ng African drug syndicate nasagip ng NBI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Pinay ang nasagip sa Malaysia ng National Bureau of Investigation-Dangerous Drugs Division (DDD) na gagamiting drug mule ng African Drug Trafficking Syndicate (ADTS) kung saan isa sa mga miyembro nito ang naaresto.

Ayon sa NBI ang pagkakaligtas sa dalawang  Pinay ay kasunod ng  impormasyong nakuha mula sa isang Pinay drug mule na nadakip noong Enero 2025 at sa serye ng mga operasyon ng mga nakalipas na buwan. Naging daan ito sa pa-iimbestiga hinggil sa pagtarget ng grupo sa mga Pinay na mahigpit na pangangailangan ng pera.

Nakuha ang impormasyon na may dalawang Pinay na nasa Malaysia para maki­pagkita sa miyembro ng ADTS na magbibigay sa kanila ng maleta na may lamang iligal na droga at ibibiyahe patungong Hongkong.

Natuklasan na ang dalawang biktima ay pinangakuan na babayaran ng tig USD 5,000 o P290,000.00 bukod sa all-expenses-paid, sa pagdadala lamang ng Malaysian products sa Hongkong na lingid sa kanila ay ilegal na droga.

Agad na nagpadala si Santiago ng mga tauhan ng NBI-DDD sa Malaysia na nakipag-ugnayan sa Royal Malaysian Police (RMP) at Narcotics Crime Investigation Division (NCID) at ipinaliwanag na ang dalawang Pinay ay ino­sente na pi-pick up ng maleta ay may cocaine.

Nitong Pebrero 4, 2025, ikinasa ang “Operation Chiribaya” ng International Intelligence Division kasama ang Drug Enforcement Administration, NBI, at Malaysian law enforcement authorities sa Klang Valley area na nagresulta sa pag-aresto sa isang babaeng Republic of Sierra Leone citizen na may dalang maleta na naglalaman ng 2.3 kilos ng cocaine.

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with