Bagong liderato hangad ng mga Pasigueño
MANILA, Philippines — Nais ng mga residente sa Pasig City na magkaroon ng pagbabago sa liderato sa lungsod kasunod ng kabiguan umano ng kasalukuyang administrasyon na maipatupad ang mga plano nito gaya na lamang ng pagkakaroon ng housing projects, job creation, health facilities at bagong paaralan.
Humihiling din ang mga taga-Pasig ng accountability sa mga infrastructure projects sa lungsod na hindi natapos at kwestyonableng pag-award ng local projects sa mga contractor.
“We Want a mayor who will deliver on the promises made, and not merely because of being popular but failed to deliver the necessary needs of his constituents,” ayon sa isang residente.
Ayon sa isang political analyst, ngayong 2025 elections ay gagamitin ng mga dismayadong taga-Pasig ang pagkakataon para mapalitan si Pasig City Mayor Vico Sotto sa Mayo 2025.
Karamihan ng mga residente ang umaasang maibabalik sa dati ang Pasig City.
Sinabi naman ng isang city councilor na pinondohan ng malaki ang mga walang saysay, at irregular expenditure, at unfunded budgets. Dumating pa aniya sa punto 75 percent ng pondo ng lungsod ay nauuwi na lang sa pagpapasuweldo.
Kiniwestyon din ang paggasta ng alkalde ng bilyun-bilyong pondo para sa bagong municipality building gayong maaari sanang magamit ang pondo sa mas mahalagang bagay gaya ng bagong ospital at bagong school buildings.
Bagaman naibsan ang korapsyon, maituturing naman umanong nasa “state of decay” ang sitwasyon ng mga staff.
- Latest