Mayor Jeannie nanguna sa ‘voter preference’ - Survey
MANILA, Philippines — Nanguna si Malabon Mayor Jeannie Sandoval sa ibobotong mayoral candidate ng mga Malabueno, batay sa isinagawang kumprehensibong survey ng Capstone Intel Corporation kung saan nakakuha ito ng 60% voter preference habang ang katunggali sa mayoral race na si Jaye Noel ay 28 %.
Ayon kay UP Professor Guido David, Chief Data Scientist ng Capstone, isang kilalang research company, na ang voter confidence na nakuha ni Sandoval ay sumasalamin sa naging magandang pamamalakad nito.
Ipinaliwanag ni David na 91% ng mga respondents sa isinagawang survey ay pawang bumoto noong nakaraang eleksyon kaya naman ang kanilang intensyon na iboto muli si Sandoval ay pagpapakita ng pagiging epektibo nito sa kanyang tanggapan.
“It is clear that their willingness to support Sandoval again reflects their satisfaction with her performance. This highlights how past governance significantly influences future electoral decisions, as constituents tend to favor candidates who have proven their reliability and effectiveness in office,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Capstone Intel Research and Publications Director Ella Kristina Domingo na ang survey ay isinagawa nitong Enero 22 hanggang 26, 2025, sa may 1,200 participants na nasa pagitan ng edad na 18 hanggang 55, karamihan ay may asawa.
Nasa 16.90% ng mga respondents ay 16 hanggang 20 taon nang naninirahan sa Malabon; 14% residente na ng 21 hanggang 25 taon; 13.50% ay 26 hanggang 30 taon at may grupo na 6 hanggang 10 taon at 46 taon pataas nang residente ng lungsod.
Nasa 67.30% ang nagsabi na iboboto nila si Sandoval dahil “naniniwala sa kanyang adbokasiya”, nasa 55.90% ang nagsabi na “madaling lapitan” at 55.40% ang “patunay ng kakayahang maglingkod”.
- Latest