^

Metro

10 pulis Taguig sibak sa ‘warrantless search’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sibak sa puwesto ang 10 Taguig police kabilang ang commander ng Tipas Police Station dahil sa umano’y pag-aresto sa isang ginang nang walang search warrant nitong Linggo sa Taguig City.

Makikita sa CCTV ang mga pulis na sapilitang pinasok ang isang tindahan at marahas na dinakip ang mga residente kahit walang mga dalang search warrant.

Pinagsisira ng mga pulis ang gamit at sinuntok ang isang meno-de-edad. Tinangay din umano ang kanilang paninda, pera at cellphone, ngunit hindi na ito nakita sa viral video dahil sinisira rin ng mga pulis ang CCTV.

Sinabihan pa silang dadalhin sa barangay hall kaya’t pinasakay sila sa police mobile. Ngunit ayon sa biktima, tumalon mula sa back-to-back vehicle ng pulisya dahil napansin niya na hindi ito huminto sa barangay.

Sa inilabas namang pahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nagsasagawa na sila ng imbestigasyon sa insidente.

Dagdag pa nito, kung mapapatunayang guilty, mahaharap sa suspensiyon, demosyon, dismissal o kasong kriminal ang mga naturang pulis.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Taguig City Police Station kaugnay sa insidente.

Ayon naman sa Southern Police District, ang mga sangkot sa insidente ay sasailalim sa pre-charge investigation at hinikayat ang mga witness na maki­pagtulungan sa imbestigasyon.

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with