^

Metro

3 online seller ng pekeng government ID, timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Laglag sa kamay ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang tatlong online seller ng mga pekeng government ID matapos ang isinagawang operasyon ng pulisya.

Ayon kay PNP ACG chief BGen. Bernard Yang, sina “Marie”, “Chan” at “Nica” ay nadakip sa magkakasunod na operasyon ng PNP-ACG matapos na makumpirma ang kanilang online transactions ng mga pekeng government ID.

Nabatid na si “Marie” ay nagbebenta ng pekeng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) IDs sa Facebook at naaresto ng   Northern at Quezon City Police Districts sa isang entrapment operations bandang alas-2:16 ng hapon nitong Pebrero 5 sa Novaliches, Quezon City. Nakuha dito ang limang pekeng PhilHealth IDs at tatlong tax identification number (TIN) IDs.

Pebrero 9 naman bandang alas-8:35 ng gabi nang ma-entrap ng anti-cybercrime police sa Zamboanga City sina “Chan” at “Nica”. Ibinebenta ng dalawa ang mga ID sa FB sa halagang P400 hanggang P600 bawat isa.

Sinabi naman ni ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo na kadalasang nabebentahan ay mga indibiduwal na ayaw pumila sa mga ahensiya ng pamahalaan.

Isa sa mga suspek ang umaming matagal na nilang ginagawa ang pagbebenta ng IDs.

Nahaharap sa kasong falsification by private individuals and use of falsified documents in relation to the Cybercrime Prevention Act ang mga suspek.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with